Helllo everyone!

Do you have some stories you want to share? Stories that bring families closer together? Stories that can a help to became a better member of the family? Pwede mong i-share ang sarili mong story here on I ♥ My Family.

Send it through my Email:
bhom.light@gmail.com

Tuesday, May 31, 2011

Kung Ina Mo kaya ang Inapi?

Minsan akoy pumasok sa eskuwela. May nakausap akong estudyante. Nakasuot siya ng bonet na mapaghahalatang galing sa Baguio. Di ko maaninagan ang kanyang mga mukha. Bigla lumabas ang tanong na sumalpok sa puso ko.
Sabi niya "Naranasan mo na ba apihin ang ina mo?"


Napaisip ako. Sa talambuhay ko, di ko naisip na may mangaapi sa ina ko.
Nawaglit ang mga mata ko sa mata ng tao na ito nang siya ay humarap sa akin.
Nakikilala ko siya. Oo nga! Tama ang naiisip ko. Siya nga ang taong iyon. Isang matalino at masayahing tao sa buong kampus. Mahirap sila. Pito silang magkakapatid. Decapitated ang kanyang Ama at may hika ang kanyang ina. Ngunit ang maganda sa kanila, buo sila at masaya ang kanilang pamilya. Pero ngayon nabago ang kanyang awra. Ang dating masayahing mukha ay naglaho na parang bula. Kita ko ang pinagsama samang lungkot, galit at paghihimagsik na nadarama nya.

Di ko halos maipaliwanag kung bakit nagdesisyon ako na pakinggan ang kanyang pagdaramdam kaysa pumasok sa
eskuwela.

Sabi niya," Alam mo ba mahal na mahal ko ang ina ko. Ganun rin ang ina ko sa akin. Alam mo ba nakaranas ako sampal sa muka at pamamaga ng labi  mula sa ina ko. Pero alam mo sa kabila ng lahat ng ito, mahal na mahal ko ang ina ko. Dahil sa pagdidisiplina niya sa akin, sa kabila ng pito kaming magkakapatid, putol ang paa ng ama ko at sa dinami dami ng utang na di namin kayang mabayaran, 

sa kabila ng kahirapan namin, maayos at masaya ang pagsasama namin. Parang kapatid ko na nga si nanay eh. Kasi sa kabila ng problema na dinaranas niya, sinasalo niya pa ang problema ko sa lahat ng bagay na dumarating sa buhay ko. Napakabait ng nanay ko no. Alam mo ba hindi ko lubos maiisip kung bakit, sasabihin ng mga "inang mayayaman", "mga inang may sariling katulong", "mga inang walang ginawa kundi magutos", "mga inang walang kamalay malay tungkol sa pagpapalaki ng pitong anak" at "mga inang kung umasta ay mga bosing sa kanilang samahan" na "NAPAKASAMA KANG INA", "DI MO KAYANG DISIPLINAHIN ANG ANAK MO", "INIISPOIL MO ANG ANAK MO".
Alam mo ba, sa tuwing naiisip ko ang pagaaruga ng aking ina sa akin at sa aking pitong kapatid, sa tuwing naiisip ko ang pagtitiis niya sa mga problema ng aming pamilya, DAPAT PANAHON NA PARA AKO NAMAN ANG BUMAWI. AKO NAMAN ANG SASALO NG DINARANAS NG INA KO. NAPAKABAIT NG INA KO. MAHAL NA MAHAL KO SI NANAY. KAYA KUNG GALIT KAYO SA AKIN HUWAG NIYONG IBUBUNTONG ANG GALIT SA INA KO. KAAWAAN NIYO SIYA AT PAGHIMAGSIKAN NIYO AKO. PERO SA ORAS NA  MALAMAN KO NA INAAPI NILA ANG AKING INA. 
SISIGURADUHIN KO NA WALANG MAGAGAWA ANG PAGLUHOD NILA SA ASIN AT BUTO NG MONGO
HINDING HINDI KO SILA TITIGILAN HANGGAT DI SILA HUMIHINGI NG TAWAD SA AKING INA. Sana naririnig nila ako. Sana alam ng mga anak nila ang galit na nararamdaman ko. Sana alam ng mga anak nila ang ugali ng mga ina nila."

Matapos niyang ilabas ang lahat ng galit na kaniyang dinaramdam, tumulo ang mamula mulang luha sa kaniyang mga mata. Ako'y natakot ng biglang bumuhos ang dugo na luha mula sa kaniyang mata. Niyakap ko siya at bigla itong naglaho sa aking paningin. Napansin ko na parang basa ang aking mga pisngi. Bakit ako umiiyak? Kumuha ako ng puting bimpo sa aking bulsa at pinunas ko sa aking mga mata.

Nalaglag ang animoy namuong dugo na bimpo sa sahig. Ako pala ang taong iyon. 

Kung ina mo kaya ang inapi
 Sana maranasan mo rin ang nadarama ko ngayon.

No comments:

Post a Comment