Helllo everyone!

Do you have some stories you want to share? Stories that bring families closer together? Stories that can a help to became a better member of the family? Pwede mong i-share ang sarili mong story here on I ♥ My Family.

Send it through my Email:
bhom.light@gmail.com

Tuesday, May 31, 2011

Sakripisyo

Ang buong gusali ay nababalot ng kaba at takot. Maraming pamilya ang nagaalala. Marami ang natatakot sa maaaring kahihinatnan ng kanilang mahal sa buhay.



Mabuti na lamang dahil nariyan ang 
pinakamagaling na doktor sa buong bansa.
Si Doctor Alvarez kasi ang nai asign na manguna sa bawat operasyon na gaganapin sa Pines City Doctors Hospital. Siya lang kasi ang nakakagawang sagipin ang buhay ng mga taong nagaagaw buhay na.

Malaki ang tiwala sa kaniya ng mga tao, ganun na rin ng mga staff ng ospital.


Marami ang humahanga sa kaniya. Kabilang na dito si Jovi. Siya ang kaisaisang anak na lalaki ng tagapagligtas na doktor. Namatay ang ina ni Jovi habang ito ay nanganganak. Mahirap ito para sa isang bata. Ang lumaki ng walang ina na siyang gagabay sa lahat ng kilos niya. 

Mahirap rin ito para kay Dr. Alvarez. Kaya nang mapagbigyan ang kaniyang hiling na mag leave ng isang buwan, agad itong umuwi sa kaniyang tahanan at agad na niyakap ang kaniyang kaisa-isang anak.

"Jovi, anak! Andito na si Daddy. Mahal na mahal ka ni Daddy. 
Mahal na mahal kita anak", malambing na sinabi ng doctor sa kaniyang anak na masayang masaya sa pagdating ng kaniyang ama.


"I love you too daddy! I love you and mommy sssssoooooo much! I wish mommy is hear with us."
"Mommy really is here with us Jovi", sabi ng amang malapit nang tumulo ang luha dahil sa magkahalong emosyon na kaniyang na darama.

"Anak. Labas tayo. Di ba gusto mong pumasiyal sa maraming lugar? Tara anak habang di pa nagwowork si Daddy"  
"Sige Daddy punta tayo sa maraming lugar."

Sa madaling salita, ang dalawang mag ama ay nagkaroon ng masayang pagbobonding. Pumnta sila sa loob ng kuweba, nag camping sa gitna ng gubat, nag pahinga sa ilalim ng puno, namangka sa gitna ng dagat at kung ano ano pa. Ngunit di pa nauubos ang oras, nakatanggap ng tawag ang ang doktor na nuo'y nasa kalagitnaan ng kasiyahan kasama ang kaniyang anak.

May isang pasyente na nagaagaw buhay at kinakailangan na  maoperahan sa lalong madaling panahon. Ang masama nito, siya lamang ang makakagawa ng operasiyon. Nagpaalam ang ama sa kaniyang anak at nangakong babalikan niya ito pagkatapos na pagkatapos ng operasiyon.

Umalis ang Doktor ng may halong bigat sa kaniyang damdamin.
"Hindi na bale. Pagkatapos ng operasiyon babalikan ko ulit ang aking anak."

Pagdating ng doktor, agad itong nagsuot ng damit pang operasiyon. Masusi niyang inayos ang nasirang porma ng tao, Ibinigay niya ang tamang lunas sa nararamdaman nitong sakit, At isinakripisyo ang oras na nararapat ay kasama niya ang kaniyang anak.


Inabot ng mahigit 24 oras ang operasiyon ng tao. Nadagdagan pa ito ng isa pang 24 oras dahil kinakailangan niyang obserbahan ang taong tinulungan niyang magkaroon ng chance para muling mabuhay.


Nawala sa isip niya ang kaniyang anak. Bumalik lamang ito sa kaniyang ulirat nang tumawag ang kaniyang katulong na siya ring nagbabantay kay Jovi kapag wala ang doktor.


Sinagot niya ang telepono at kaniyang narinig ang humahagulgol na pagiyak ng kaniyang katulong.


"Ser! Bakit! Bakit ngayon niyo lang sinagot ang mga tawag ko sa inyo!"
      "Bakit Manang Gloria?! may problema po ba?! Kamusta po si Jovi?! may nangyari po bang masama sa kaniya???" 
"Ser! May sakit po si Jovi. Ang bilis pong tumaas ng lagnat niya! Ser, umuwi na po kayo! Baka hindi niyo na maabutan ang anak ninyo!"


Agad na sumakay ang doktor sa sasakyan niya. Kinakabahan, malungkot at natatakot sa maaaring kahinatnan ng kaniyang anak. 


Malakas ang buhos ng ulan nang gabing iyon. Halos magsiksikan ang mga sasakyan sa sobrang lakas ng ulan.
Nasa gitna ng trapiko ang doktor.


Pilit na sumisiksik para lamang makatakas sa mga nag gigitgitang mga sasakyan. Wala siyang nagawa kundi takbuhin ang  lugar kung saan sila naninirahan.


Basang basa sa ulan ang doktor. Hindi maaninag ang luha na bumubuhos mula kaniyang mga mata. 


Lalo itong naglupasay nang makita ang walang buhay na si Jovi na nakahiga sa      kaniyang kama.

No comments:

Post a Comment